article
Gusto ko, Reader Ka
Ano ang programang “Gusto Ko, Reader Ka”?
Ito ay ang binuong programa ng ating paaralan sa pagbasa kaugnay ng mga proyekto ng ating Dibisyon na Basahusay at Kagawaran ng Edukasyon na “Bawat Bata Bumabasa” na layuning maisakatuparan sa loob ng limang taon.
Ano ang layunin nito?
Layunin nito na maitaguyod ang kultura sa pagbasa upang higit na mapasigla ang mga batang magbasa nang makita ang kahalagahan nito at maiwasan ang mga suliraning kaakibat ng hindi pagbabasa.
Ano ang bahagi ng mga magulang sa proyektong ito?
Ang mga magulang ay hinihikayat na makipagtulungan sa mga guro kung sakaling ang kanilang mga anak ay nangangailangan ng remedial upang mapaunlad pa ang kakayahan ng kanilang mga anak sa pagbasa.
Ano ang bahaging ginagampanan ng mga guro?
Ano ang mga maaaring maibigay na tulong ng mga guro sa mga magulang upang lalong mapahusay ang kakayahan ng mga bata sa pagbasa?

- Bumuo ng reading intervention plan para sa mga mag-aaral na hirap bumasa.
- Magsagawa ng mga reading remedial sessions sa mga batang may suliranin sa pagbasa.
Ano ang mga maaaring maibigay na tulong ng mga guro sa mga magulang upang lalong mapahusay ang kakayahan ng mga bata sa pagbasa?
- Magpahiram ng mga reading materials sa mga batang nangangailangan nito upang mapasulong pa ang kakayahan nitong magbasa.
- Bigyan ng tamang impormasyon ang mga magulang hinggil sa wastong paraan ng pagtuturo ng pagbasa upang maturuan nila ang kanilang mga anak kabalikat ng mga guro habang nasa kanilang mga tahanan.
- Magsagawa ng mga reading remedial sessions sa mga batang may suliranin sa pagbasa face to face (post pandemic) o kaya naman ay sa pamamagitan ng video call o tawag sa panahon ng pandemya.